Thursday, October 13, 2011

Para Po sa Tabi!........Sari Saring Eksena sa Dyipney

         "Para".... sumigaw ka na, kumatok pa katabi mo, pero parang bingi ang drayber walang narinig. E bakit nga ba eh halos mabingi ka sa lakas ng tugtog ng Stereo. Di mo alam kung dyip nga ba ang nasakyan mo o me party sa loob. Kanya kanya reaksyon. "Bingi yata ang drayber", sabi pa ng bumaba. Kanya kanyang tawa ang mga pasahero.

  
           Talagang nakakatawa nga naman, ang pagsakay sa dyip ay parang kuwento.  Parang pinaliit na mundo ang dyip. May kanya kanyang kwento ang bawat pasahero. Kung gano kabilis ang takbo ng bawat dyip na sinakyan mo ay parang katulad ng bawat bilis ng pagtakbo ng araw. Minsan masaya kasi nakatabi ka ng maganda, minsan smooth lang ang takbo, minsan badtrip ka kasi na trapik ka. Pero kahit ano pa ang eksena ng bawat buhay, tulad din sa dyipney, sari saring eksena. Pero kahit ano pa lagi mo lang sabihin, SAKYAN MO LANG!!!!